Simula ng malaman ko na may warehouse sale ang Gingersnaps dito sa Pasig every year, lagi na ako nagpupunta every year. At madalas umuuwi akong dissappointed, mabaho at hatsing ng hatsing dahil puro alikabok sa warehouse. Pero the Gingersnaps Warehouse Sale 2017 ay ibang istorya. For the first time after years of going sa Gingersnaps Warehouse Sale, this year, masasabi ko na sulit ang warehouse sale.
P100 pesos lang each ang mga yan.
First day pa lang nagpunta na kame ng kapatid ko. Warehouse sale starts at 8 AM, mga 8:30 AM andun kame and ang dami dami ng tao. Wala na din kame halos naabutan dahil madami na ngang tao. Kinabukasan nagpunta ulit ako pero mas inagahan ko, may mga items na magaganda naman ako nakuha.
Gingersnaps Warehouse Sale 2017 Tips
- Maaga ka pumunta sa warehouse
- Huwag ka pumunta ng weekends kase mas madaming tao
- Pag may parang gusto ka, kunin mo na agad, before payment ka na lang mag decide kung gusto mo talaga or hindi kase mabilis mawala ang items
- Magdala ka ng ecobag mo
- Magdala ka pamaymay at tubig
- Huwag ka umaoutfit. ANG INIT SA LOOB. No aircon.
- Cash transaction only
Etong suot ng dalaga ko, 120 ang blouse, 120 din ang skirt
Paano pumunta sa Gingersnaps Warehouse Sale 2017?
Gingersnaps Warehouse Pasig is along Eusebio Avenue in Brgy San Miguel. If you are planning to go there by your car, just waze going to Pasig General Hospital . Yung warehouse before Pasig Gen, yun na yun. Malapit ito sa Pasig Rainforest ha, just in case feeling mo naliligaw ka na. Malapit din ito sa MSI ECS (currently may sale ng electronics like laptop, phone at droids) ha.
Kung pupunta ka sa Gingersnaps Warehouse sale coming from Rizal area (Antipolo, Cainta, Taytay ganyan) sakay ka lang ng bus pa Quiapo or jeep na Pasig Palengke. Baba ka sa Jenny’s tapos tawid ka. Baba ka pa ulit sa parang palengke then pasok ka sa loob, or magtanong ka san sakayan ng tricycle na pa RTU. Terminal yan, pilahan ba. Pwede ka din mag special pero 50 Pesos. Sa Pilahan, bababa ka sa may talipapa tapos may hagdan dun na pababa sa RTU. Pag baba mo RTU na yan, lakad ka kaunti, warehouse sale na. Medyo malayo so kung may pera ka, mag special ka na lang.
Kung galing ka naman sa may gawi ng Countryside o malapit sa SM East Ortigas, lakad ka may countryside tapos sakay ka tricyle na pa main lang (pila di ito). Baba ka sa dulo ng main tapos lakad ka paakyat sa Mabuhay. Pag-akyat mo sa may gate, diretso ka lang, paglagpas ng simbahan, kaliwa ka then diretso ulit. Sa dulo may gate na may paakyat, akyat ka dun. Diretso ulit tapos kanan sa unang kanan, ayan na terminal ng tricycle na pa Pasig Palengke. Sakay ka diyan pero mag antay ka ng kasabay ha, sabihn mo sa driver kung pwede sa may Pasig Gen idaan. Baba ka makalagpas ang Pasig Gen, ayan na ang warehouse.
Kung manggagaling ka naman sa may Manila area, hanap ka ng sakayan pa Pasig Palengke, meron sa Quiapo, meron sa Megamall at meron din sa Robinsons Galleria. Meron din along Shaw Blvd. Pagdating mo sa Pasig Palengke, pwede ka mag special na tricycle papunta sa warehouse pero mahal, 50 pesos ang bayad. Kung gusto mo makamura, punta ka sa likod ng Jollibee (isa lang Jollibee sa Pasig Palengke) at hanapin mo ang pila na pa RTU. 12 Pesos lang yata ang pamasahe or 11 pesos. Sabihin mo na lang sa driver na ibaba ka sa warehouse bago Pasig Gen Hospital (halos tapat ng opisina ng Mr Quickie).
Marami bang damit na magaganda sa Gingersnaps Warehouse Sale 2017?
Kung maaga aga ka pupunta, marami ka pang mapipili. Dalawang beses pa lang ako nagpunta at so far maganda mga nakuha ko. Sa mga susunod na araw susubukan ko ulit dumaan and I will updated this post.
Update ko din ang post na ito kapag may pics na kame ng Mommy and Baby skirts na nabili ko. More photos on Mommy Blogger Pehpot Facebook Page.
The post Gingersnaps Warehouse Sale 2017 appeared first on Mommy Pehpot.